Tulong sa mga mangingisdang namatay sa Iloilo at Guimaras minamadali ng Malacanang
Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacanang sa pamilyang naiwan ng dalawampu’t pitong katao na nasawi sa pagtaob ng tatlong motorboat sa Iloilo at Guimaras dahil sa sama ng panahon.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kung pagbabasehan ang karakter ni Pangulong Rodrigo Duterte, maaring dumalaw ang pangulo sa burol ng mga nasawi para personal na makiramay sa mga nauililang pamilya.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng palasyo ang mga ahensyang responsable sa pagbibigay ng permit sa mga bangka na maglayag na maging mas mahigpit at bigyan ng dagdag guidelines para hindi na maulit ang naturang insidente.
Bukod sa mga nasawi, anim na pasahero pa ng motorboat ang nawawala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.