Bagyong Hanna mas lalo pang lalakas ayon sa Pagasa
Nagbabala ang Pagasa sa patuloy na paglakas ng Tropical storm Hanna partikular na sa susunod na 24 oras.
Sa kanilang 11a.m weather advisory, sinabi ng Pagasa na asahan ang malakas na monsoon rains sa Palawan, Cuyo Islands, Mindoro Provinces, Western Visayas at Romblon.
Lalo pang lumakas ang bagyong Hanna sa 85 kilometers per hour (kph) at pagbugso na umaabot naman sa 105 kph.
Asahan naman ang malakas na buhos ng ulat at localized thunderstorm sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Mimaropa Region Visayas at Bicol Region.
Samantala, nagbabala naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRC) sa mga nakatira sa mga flood prone areas na asahan ang biglang pagbaha.
Nananatiling mapanganib ang pangingisda sa mga karagatan sa Northern Luzon, Central Luzon, Southern Luzon at Visayas Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.