May-ari ng minahan na gumuho sa China, nagpakamatay

By Jay Dones December 28, 2015 - 12:21 AM

 

Inquirer/AP

Nagpakamatay ang may-ari ng gypsum mine na nag-collapse noong nakaraang Biyernes sa China na ikinamatay ng isang manggagawa at na-trap ang 17 iba pa.

Ayon sa Xinhua News Agency ng China, nilunod ng Presidente ng Yurong Commerce and Trade Ltd. Co. na si Ma Congbo ang kanyang sarili sa mismong lugar kung saan nangyari ang mine collapse nitong Linggo.

Nasa lugar ng pinangyarihan ng mine collapse sa Shandong at tumutulong noon si Ma nang magpasya itong magpakamatay.

Tumalon umano ito sa isang malalim na balon habang isinasagawa ang rescue mission sa 17 pang manggagawa na dalawang araw nang natatabunan ng tone-toneladang lupa.

Simula nang maganap ang pagguho, nasa 11 nang manggagawa ang nailigtas ngunit may 17 pang minero ang hindi pa naiaahon.

Sa kasalukuyan, nagbaon na ng malalim na tubo ang mga rescue workers sa ilalim ng lupa sap ag-asang magagamit ito upang mapadalhan ng tubig at pagkain ang mga minero.

Nasa 700 rescue personnel ang nagtutulong-tulong upang mailigtas ang nata-trap na manggagawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.