Mayor Sara Duterte siguradong panalo sa 2022 presidential elections – Panelo

By Chona Yu August 05, 2019 - 01:08 PM

Walang duda si Presidential spokesman Salvador Panelo na mananalong pangulo ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte kung lalahok sa 2022 presidential elections.

Ayon kay Panelo, hindi maikakaila na mataas ang popularidad ni Duterte.

Pero ayon kay Panelo, malinaw ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang sumabak sa pampanguluhang karera ang kanyang anak na si Mayor Sara.

Ayon kay Panelo, dismayado si Pangulong Duterte dahil bagamat patuloy ang kanyang pagsusumikap na mapabuti ang bansa ay panay paninira at batikos pa rin ang ginagawa ng mga kalaban sa pulitika.

“Well, si presidente kung tatanungin mo ayaw niya, sabi niya nga napaka-thankless job ng panguluhan binubuhos mo na lahat ng iyong panahon, ang iyong kalusugan pero nagiging subject ka pa ng lahat ng uri ng paninirala kaya ayaw niya dahil anak niya e siyempre naawa siya sa anak niya ‘pag tumakbo kasi ‘pag tumakbo yan, siguradong panalo yan,” ayon kay Panelo.

TAGS: 2022 Presidential elections, Davao City Mayor Sara Duterte, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, 2022 Presidential elections, Davao City Mayor Sara Duterte, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.