Bagyong Hanna lumakas pa; habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2019 - 06:25 AM

Lumakas pa ang bagyong Hanna na huling namataan ng PAGASA sa layong 940 km East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.

Apektado ng Habagat na pinalalakas ng bagyo ang Luzon at Visayas.

Dahil dito ayon sa PAGASA, ngayong araw makararanas ng hanggang sa malakas na pag-ulan ang Cavite, Batangas, at MIMAROPA.

Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cenral Luzon, Bicol Region, Western Visayas at nalalabing bahagi ng CALABARZON.

Habang ang trough o buntot ng tropical storm Hanna ang magpapaulan sa Cagayan Valley.

Sa Mindanao naman at sa nalalabi pang bahagi ng Visayas bahagyang maulap na papawirin lamang ang mararanasan at magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

TAGS: hanna, Radyo Inquirer, Tropical storm, weather, hanna, Radyo Inquirer, Tropical storm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.