Presyo ng mga produktong petrolyo hindi gagalaw ngayong linggo

By Rhommel Balasbas August 05, 2019 - 04:49 AM

Walang magiging paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Petro Gazz at Shell na pananatilihin nila ang presyo ng kanilang diesel, gasolina at kerosene o gaas sa kasalukuyang halaga nito.

Wala pa namang abiso ang iba pang kumpanya ng langis kung mananatili rin sa kasalukuyang presyo ang kanilang mga produkto.

Magugunitang noong nakaraang linggo, nagpatupad ng halos pisong rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina ang oil companies habang tumaas ang presyo ng diesel at gaas ng P0.15 at P0.10 bawat litro.

Kadalasang ipinatutupad ang oil price adjustments tuwing araw ng Martes.

TAGS: Oil price adjustments, Petro Gazz, Shell, Oil price adjustments, Petro Gazz, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.