Kanlaon, limang minutong nagbuga ng abo

By Jay Dones December 27, 2015 - 08:12 PM

 

Inquirer file photo

Nagbuga muli ng abo ang bulkang Kanlaon sa Negros Oriental, Linggo ng hapon.

Ayon sa Advisory ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology o Phivolcs, nagana pang pag-aalburotong muli ng nga bulkan dakong ala-1:29 ng hapon.

Tumagal ang pagsabog ng limang minuto.

Umakyat ang ash plume sa taas na 1000 hanggang 4,500 metro ang taas.

Ayon sa mga residente, narinig ang dagundon ng bulkan sa Bgy. Cabagnaan, La Castellana, Sitio Guintubdan, Bgy Ara-al at Bgy. Yubo, sa La Carlota City.

Naobserbahan din ang bahagyang ashfall sa Sitio Guintubdan, Bgy. Ara-al, at Bgy. La Granja sa Carlota City hanggang sa bayan ng Pontevedra sa Negros Occidental.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.