Bagyong ‘Hanna’ lumakas pa isa nang tropical storm – PAGASA
Lalo pang lumakas ang bagyong Hanna at ngayon ay isa nang tropical storm.
Sa update ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,060 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.
Ayon sa PAGASA, ang habagat na pinalalakas ng bagyo ang naghahatid ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Makararanas ng monsoon rains ang Metro Manila, MIMAROPA, Western Visayas, Bataan, Zambales, Cavite, Laguna at Batangas.
Maghahatid din ng kalat-kalat na pag-ulan ang habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Rizal, Quezon at sa nalalabi pang bahagi ng Central Luzon, at Visayas.
Ang bagyong Hanna ay nakatakdang lumabas ng bansa sa Huwebes o di kaya ay sa Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.