9 patay, 16 sugatan sa ikalawang insidente ng mass shooting sa Amerika
Sa loob lamang ng halos 24 na oras dalawang magkasunod na insidente ng mass shooting sa Amerika.
Siyam ang nasawi at labinganim ang nasugatan sa pamamaril ng isang suspek sa Ohio.
Ayon sa Dayton police, isang active shooter ang nagsimulang mamaril sa Oregon District.
Agad namang nakaresponde ang mga pulis na nag-iikot sa lugar.
Dinala sa kalapit na pagamutan ang mga nasugatan.
Ang pamamaril sa Ohio ay naganap ilang oras lamang matapos ang pamamaril ng isa ring lalaking suspek sa El Paso, Texas, shopping area.
20 ang nasawi sa nasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.