40 pasahero stranded sa Camarines Sur dahil sa masamang lagay ng panahon
Hindi makaalis ang 40 pasahero na nasa Pasacao Port sa Camarines Sur dahil sa suspensyon ng biyahe ng barko at bangka sa bansa.
Batay sa Philippine Coast Guard (PCG), alas 8:00 ng umaga ng Linggo, Aug. 4, kinansela ang mga biyahe ng mga pansasakyang dagat dulot ng malalakas na hangin at malalaking alon sa mga karagatan.
Dahil ito sa masamang lagay ng panahon ay dala ng Southwest Monsoon o hanging Habagat na pinalakas ng Tropical Depression Hanna.
Ang pagkansela sa mga biyahe sa dagat ay sa bisa ng Memorandum Circular Number 02-13 o Guidelines on Movement of Vessels during heavy weather.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.