4-day work week muling isusulong sa kamara

By Ricky Brozas August 04, 2019 - 01:52 PM

Imumungkahi ng isang mambabatas ang pag-iral ng 4-day work week scheme para maibsan ang matinding trapik sa Metro Manila partikular na sa Edsa.

Paniwala kasi ni Baguio City Representative Mark Go na ang isinusulong na ban sa provincial buses ay maliit lamang ang magiging epekto para maresolba ang lumalalang trapik sa EDSA.

Muling inihain ni Go ang panukala sa kamara upang pairalin ang compressed work week, na una nang inaprubahan ng dalawang kapulungan ng kongreso pero hindi naisabatas dahil sa hindi pagkakasundo ng kamara at senado sa magkaiba nilang bersiyon.

Una nang ipinanukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa Edsa at ipasara ang apatnaput’pitung mga bus terminal sa naturang highway para maibsan ang pagsisikip ng mga pangunahing lansangan sa Kalakhan Maynila.

TAGS: 4 day work week, House of Representatives, mmda, traffic, 4 day work week, House of Representatives, mmda, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.