Buhawi nanalasa sa Lavezares, Northern Samar

By Marlene Padiernos August 03, 2019 - 10:10 PM

 

Sinalanta ng buhawi ang bayan ng Lavezares sa lalawigan ng Northern Samar bandang alas-9:30 ng umaga, araw ng Sabado, August 3, 2019.

Sa inilabas na datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lavezares nasa 11 na kabahayan ang naitalang nasira ng nasabing buhawi.

Tig-tatlong kabahayan ang sa bayan ng Libas at San Miguel, habang lima naman sa bayan ng Cataogan.

Bahagya ding nasira ang ilang bahagi Lavezares Public Market.

Hanggang ngayon ay hindi parin naibabalik ang ang kuryente sa ilang bahagi ng bayan habang hindi parin nagiging stable ang signal ng lahat ng linya ng komunikasyon.

Samantala, wala namang naiulat na mga pagbaha, landslide, at mga nasaktan sa nangyaring insidente.

Patuloy namang nagbabantay ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lavezares sa mga posibleng pagbabago sa kondisyon ng panahon.

TAGS: 11 na kabahayan ang naitalang nasira, bayan ng Lavezares, lalawigan ng Northern Samar, Lavezares Public Market., lima naman sa bayan ng Cataogan., Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Tig-tatlong kabahayan ang sa bayan ng Libas at San Miguel, 11 na kabahayan ang naitalang nasira, bayan ng Lavezares, lalawigan ng Northern Samar, Lavezares Public Market., lima naman sa bayan ng Cataogan., Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Tig-tatlong kabahayan ang sa bayan ng Libas at San Miguel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.