Higit 6,000 Pinoy nurses gustong mag-trabaho sa US
Umabot sa 6,021 Filipino nurses ang kumuha ng licensure exam para makapag-trabaho sa US.
Ayon kay ACTS – OFW Chairman Aniceto Bertiz III ang bilang ay mula lang noong Enero hanggang nitong Hunyo at aniya mas mataas ito ng 33 porsyento kumpara sa kumuha ng NCLEX sa katulad na panahon noong 2018.
Sinabi pa ng dating mambabatas na hindi pa kasama sa bilang ang mga ‘repeaters.’
Banggit pa ni Bertiz maliban sa mga Filipino, marami din Cuban, Jamaican at Canadian nurses ang gusto rin makapag-trabaho sa Amerika.
Aniya maraming nurses ang mas gusto sa US dahil sa mataas na sahod at alam na ng mga Filipino ang kultura.
Base sa US Bureau of Labor Statistics umabot sa $71,730 o higit P3.6 milyon kada taon ang kinikita ng mga nurse sa US at maraming Filipino nurses sa Texas at California.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.