PAGASA pinalawig pa ang pagpapatupad ng flood alert sa ilang parte ng Luzon
Itinaas na ng Pagasa ang orange rainfall alert sa lalawigan ng Zambales at Bataan dahil sa posibilidad na magkaroon ng mataas na pagbaha dulot ng hanging habagat.
Kasalukuyan namang nakataas ang yellow alert sa Metro Manila at Cavite.
Ayon pa sa weather bureau, makakaranas din ng malakas na buhos ng ulan ang lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon sa mga susunod na oras.
Samantala, huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 875km sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes na ngayon ay binabantayan dahil sa posibilidad na maging ganap na bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.