Duterte nais ng batas na magbibigay pahintulot sa land reform beneficiaries na maisanla ang lupa

By Rhommel Balasbas August 03, 2019 - 03:46 AM

Screengrab of RTVM video

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na magpasa ng batas na magbibigay pahintulot sa mga agrarian reform beneficiaries na isanla ang kanilang mga lupa.

Sa talumpati sa pamamahagi ng titulo sa agrarian reform beneficiaries sa Davao City, Biyernes ng gabi, nais ng pangulo na payagan ang mga magsasaka na maisanla ang kanilang lupa para magkaroon ng pang-kapital.

Dismayado ang presidente sa probisyon ng Comprehensive Agrarian Reform Act of 1988 na nagbabawal sa beneficiaries na maisanla ang kanilang mga lupa.

Nauna nang inihain noong 2013 ang panukala para tanggalin ang nasabing restriction ngunit hindi ito pumasa sa Kongreso.

Hinimok ng pangulo ang land beneficiaries na maghintay lamang at binabalangkas na ang batas para mapayagan silang gamitin ang lupa bilang ‘mortgage’.

“Just wait a little while. We’re crafting the law I said that would allow you to use (the land) as mortgage. Hindi kasi natatanggap eh kaya wala silang pang-kapital,” ani Duterte.

Iginiit naman ni Duterte na ang perang mauutang ay dapat lamang magamit para mapalago ang lupang pansakahan.

Binalaan ng presidente ang mga magsasaka na gamitin ang pera para sa iligal na droga.

“Do not forget to buy a pre-need (plan) and make your reservations in the funeral parlor. You will go there I can assure you. Be careful. I have warned many,” ayon sa pangulo.

 

TAGS: agrarian reform, batas, beneficiaries, Comprehensive Agrarian Reform Act of 1988, Davao City, Droga, isanla, kapital, lupa, mortgage, Rodrigo Duterte, utang, agrarian reform, batas, beneficiaries, Comprehensive Agrarian Reform Act of 1988, Davao City, Droga, isanla, kapital, lupa, mortgage, Rodrigo Duterte, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.