LOOK: Pulisya, binura na ang ‘closed’ signs na ipininta sa Lotto outlets

By Rhommel Balasbas August 03, 2019 - 03:13 AM

Parang Municipal Police photo

Binura na ng mga pulis sa Parang, Maguindanao ang isinulat na ‘closed’ signs sa ilang lotto outlets na umani ng batikos.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng lahat gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong July 26 dahil sa isyu ng korapsyon sa ahensya.

Dahil dito ay isinara ng Philippine National Police (PNP) ang gaming outlets ng PCSO sa buong bansa.

Ngunit makalipas ang apat na araw ay inalis ng presidente ang suspensyon para sa Lotto.

Binatikos ng mga mamamayan ang pagpinta sa ilang lotto outlets na umanoy ‘vandalism’ at ‘abuse of authority’.

Nilinaw naman ni PNP chief Oscar Albayalde na hindi niya ipinag-utos na pintahan ang lotto stores.

 

TAGS: abuse of authority, binura, closed, Lotto, Maguindana, parang, pcso, sign, vandalism, abuse of authority, binura, closed, Lotto, Maguindana, parang, pcso, sign, vandalism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.