Metro Manila at kalapit na mga lugar nasa yellow rainfall warning pa rin

By Len Montaño August 03, 2019 - 02:55 AM

Nakataas pa rin ang yellow rainfall warning sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan batay sa Pagasa update alas 2:00 ng madaling araw.

Bukod sa Metro Manila, nasa yellow rainfall warning din ang mga lalawigan ng Zambales, Cavite at Bataan.

Inasahan ang baha sa mga flood-prone areas dahil sa pag-uulan.

Sa Maynila, umiiral ang katamtaman hangang malakas na ulan partikular sa Malate, Quiapo at Sampaloc.

Mayroon na ring gutter deep na baha sa bahagi ng Lawton at ilang pasahero ang stranded.

Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-uulan ang nakakaapekto sa Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal, Batangas at ilan pang kalapit na lugar.

Ayon sa Pagasa, iiral ang yellow rainfall warning sa loob ng 3 oras.

Pinayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang susunod na weather advisory alas 5:00 mamaya.

TAGS: 3 oras, katamtaman hanggang malakas na ulan, Metro Manila, Pagasa, yellow rainfall warning, 3 oras, katamtaman hanggang malakas na ulan, Metro Manila, Pagasa, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.