Yellow warning nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo August 02, 2019 - 05:13 PM

Nakararanas pa rin ng patuloy at malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa latest na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng hapon, yellow warning ang nakataas sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas.

Ayon sa PAGASA, ang tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan sa nasabing mga lugar ay maaring magdulot ng flash flood.

Pinayuhan ang publiko at ang Disater Risk Reduction and Management Office na patuloy na i-monitor ang kondisyon ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

Samantala, sa mga bayan ng Calamba at Los Banos sa Laguna; Tayabas, Sariaya at Candelaria sa Quezon mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang nararanasan.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, yellow warning, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.