VIRAL: Pulis na pumasan sa pedestrian para hindi malubog sa baha umani ng papuri

By Jan Escosio August 02, 2019 - 04:43 PM

Viral na ngayon sa social media ang larawan ng isang pulis sa Maynila na pasan-pasan ang isang lalaking naka-payong sa gitna ng pag-ulan sa Sampaloc, Maynila.

Makikita sa picture na ibinahagi ng Manila Police District (MPD) sa Facebook na wala nang sapin sa paa ang naka-unipormeng pulis at nakalubog na ang kanyang mga paa sa tubig-baha.

Nasa larawan din ang isang pulis na may mga inaayos na mga monobloc chairs para magamit na tulay ng mga naglalakad upang hindi mabasa ang kanilang mga paa at pantalon.

Sa nasabi ding post ay may mga larawan ng pag-alalay at pagbibigay ng libreng sakay ng mga pulis gamit ang kanilang mobile vehicle.

Sa iba pang larawan ay ang pagtulay ng ilang pedestrian sa mga inihilerang monobloc chairs.

Ang naturang Facebook post ay mayroon ng halos 600 shares at halos 1,000 reactions.

Ang post ay may nakalagay din na #ManilaPulis #PulisNaMayPusoAtMalasakit at #PNPGoodDeeds.

TAGS: flood, manila, ManilaPulis, MPD, PNPGoodDeeds, PulisNaMayPusoAtMalasakit, flood, manila, ManilaPulis, MPD, PNPGoodDeeds, PulisNaMayPusoAtMalasakit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.