NPA guerrilla tinamaan ng dengue, dinala sa ospital ng mga sundalo sa Zamboanga Del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo August 02, 2019 - 03:22 PM

Dinala sa ospital ng mga sundalo ang isang rebeldeng NPA na natagpuan nila sa isang kubo sa Barangay Pisompongan, Midsalip, Zambanga Del Sur.

Ayon kay Army Lt. Col. Marlowe Patria, 53rd Infantry Battalion commander, ang 19 anyos na si Alyas John ay nakita ng mga sundalong nagsasagawa ng foot patrol sa lugar.

Nang madaanan umano nila ang kubo ay nanghingi sa kanila ng tulong si Alyas John.

Mataas ang lagnat nito nang ito ay datnan ng mga sundalo kaya agad isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Na-diagnose na mayroong dengue ang NPA member.

Ayon kay John ilang araw na siyang nilalagnat nang siya ay matagpuan ng mga sundalo.

At dahil nagkasakit umano siya ay iniwan siya ng kaniyang mga kasamahan.

Maraming residente ng Midsalip ang tinamaan ng nasabing sakit.

TAGS: Dengue, midsalip, npa member, Zamboanga Del Sur, Dengue, midsalip, npa member, Zamboanga Del Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.