Tatlong pagsabog naitala sa Bangkok, Thailand; 3 ang sugatan
Tatlong mahihinang na pagsabog ang naitala sa Bangkok, Thailand.
Ayon sa ulat ng local news website sa Thailand, tatlo ang nasugatan sa nasabing mga pagsabog na naganap habang nagho-host and Bangkok ng Southeast Asian security meeting na dinadaluhan ng matataas na opisyal mula US, China at iba pang bansa.
Ang unang pagsabog ay naitala sa dalawang lugar malapit sa central Bangkok at ang ikatlo naman ay malapit sa government complex.
Pinaniniwalaang homemade bomb ang ginamit sa pagpapasabog.
Kabilang sa mga sugatan ang dalawang street cleaners at isang security guard.
Ipinag-utos na ni Prime Minister Prayuth Chan-ocha ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.