Car shop, dalawa pang bahay nasunog sa Lapu-Lapu City, Cebu
Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Lapu-Lapu City sa Cebu, Huwebes (Aug. 1) ng gabi.
Ayon kay Nagiel Bañacia, hepe ng Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction Management Office, nagsimula ang sunog sa isang car repair shop na pag-aari ng isang Korean national sa Batangay Maribago.
Naapektuhan din ng sunog ang dalawang kalapit na bahay.
Itinaas sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog na tumagal ng 30 minuto.
Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
Hindi pa kasama sa nasabing halaga ang mga napinsalang sasakyan at iba pang materyales sa car shop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.