#WalangPasok: Klase sa lahat ng antas sa Metro Manila suspendido na

By Dona Dominguez-Cargullo August 02, 2019 - 09:50 AM

(UPDATE) Suspendido na ang klase sa buong Metro Manila bunsod ng naranasang malakas na buhos ng ulan.

Alas 8:26 ng umaga nang itaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa Metro Manila at ito ang naging basehan ng mga lokal na pamahalaan para magsuspinde ng klase.

Unang nag-anunsyo ng suspensyon si Manila Mayor Isko Moreno dakong alas 8:42 ng umaga na sinundan ng iba pang alkalde sa Metro Manila.

Kabilang sa mga nagsuspinde ng klase all levels public and private ang mga sumusunod:

MANDALUYONG
QUEZON CITY
LAS PINAS CITY
MUNTINLUPA CITY
MALABON
TAGUIG CITY
PARANAQUE
MARIKINA CITY
SAN JUAN CITY
CALOOCAN CITY
PASIG CITY
NAVOTAS
VALENZUELA
PATEROS
PASAY CITY

Sa Makati City naman, hanggang High School lamang ang suspension public at private gayundin sa University of Makati.

TAGS: class suspension, heavy rains, Manila City, Mayor Isko Moreno, walang pasok, class suspension, heavy rains, Manila City, Mayor Isko Moreno, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.