Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang San Isidro, Surigao del Norte kaninang alas 6:11 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang Intensity IV sa San Isidro, Burgos, at Santa Monica, Sugrao del Norte.
Naramdaman naman ang Intensity III sa Surigao City.
Intensity II naman ang naramdaman sa Loreto, Dinagat, Province, Mainit at Socorro, Surigao del Norte.
Tectonic ang origin ng lindol.
Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng mga aftershocks.
Wala namang naiulat na nasirang kabahayan, gusali o ano mang ari-arian matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.