Menor de edad pinagsasaksak ng ice pick ng kapwa estudyante sa Cagayan de Oro City
Kasalukuyang nagpapagaling ang biktimang menor de edad na sinaksak umano ng schoolmate nito sa loob mismo ng kanilang paaralan sa Cagayan de Oro City.
Ayon sa ulat ng pulisya, paghihiganti umano ang naging sanhi ng nangyaring insidente.
Ito ay dahil sa ginulpi umano ng 17-anyos na biktima ang 15-anyos na kapatid ng salarin dahilan para siya ay balikan nito.
Ayon sa pahayag ni Bulua Police Station commander police Capt. Jak Sto. Domingo, nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng saksak mula sa ice pick na ginamit ng salarin.
Samantala, pinaniniwalaan naman ng pulisya na ang nangyareng pananaksak ay may kaugnayan sa isang gang sa PN Roa National High School ang puno’t dulo ng away.
Matatandaang sa kaparehong eskwelahan din nangyare ang insidente kung saan ay sinaksak rin ng isang estudyante ang isang guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.