PNP, suportado ang imbestigasyon ng BI sa pagdami ng Chinese nationals sa bansa

By Clarize Austria August 01, 2019 - 08:37 PM

Naghayag ng suporta si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa Bureau of Immigration sa gagawin nitong imbestigasyon sa dumaraming bilang ng Chinese nationals sa bansa.

Ngunit hindi naman nagbigay ng komento ang general sa pahayag ni National Security Adviser Hemogenes Esperon na security threat ang paglobo ng bilang ng mga tsino sa bansa.

Ayon kay Albayalde, nasa National Security Council na ang bola sa pagtantya sa sitwasyon.

Hindi pa rin aniya sigurado kung may dalang panganib ang mga nasabing dayuhan dahil ang konseho ang mas nakakaalam ng lagay ng sitwasyon.

Dagdag pa ni Albayalde, malaki rin ang papel ng Bureau of Immigration sa pagtukoy kung ang mga tsino sa bansa ay dokumentado.

Inamin naman ng PNP chief na nagkalat na nga ang mga Chinese nationals sa buong bansa kung saan ilan sa mga ito ay sangkot sa ilegal na droga at online gambling.

TAGS: Chinese Nationals, National Security Adviser Hemogenes Esperon, National Security Council, Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, Chinese Nationals, National Security Adviser Hemogenes Esperon, National Security Council, Philippine National Police Chief Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.