DOH iniimbestigahan na pagkamatay ng bata matapos purgahin
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang Department of Health (DOH) sa pagkamatay ng isang batang estudyante sa Surigao del Norte matapos sumailalim sa deworming.
Sinabi ni Health Usec. Rolando Domingo agad nilang ipinahinto ang pagpupurga sa mga estudyante nang makarating sa kanilang kaalaman ang nangyari sa San Isidro Elementary School.
Sa mga ulat may pito pang batang mag-aaral ang naospital matapos sumailalim sa deworming noong Hulyo 23.
Dagdag pa ni Domingo nagsagawa na ng toxicology tests sa mga biktima para matukoy kung nalason ang mga biktima o may toxic substance na pumasok sa kanilang katawan.
Sumasailalim na rin ng pagsusuri sa mga ginamot na gamot pang purga.
Binanggit pa ng DOH na wala ng iba pang katulad na insidente ang naiulat kaugnay sa deworming campaign sa mga batang mag aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.