DOJ sang-ayon na banta sa seguridad ang pagdagsa ng Chinese nationals sa bansa

By Jan Escosio August 01, 2019 - 11:38 AM

Sinang-ayunan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na “security concern o threat” na ang pagdagsa ng mga Chinese national sa bansa.

Sinabi ni Guevarra na nakakabahala kung dumarami ang mga undocumented aliens anuman ang kanilang nasyonalidad.

Ngunit ayon pa kalihim exemption dito kung ang mga dumadagsang foreign nationals ay mga refugees na nais lang ng asylum.

Unang sinabi ni Esperon na nababahala na siya sa pagdagsa ng mga Chinese nationals na papasok sa Pilipinas bilang turista ngunit magta-trabaho na dito.

Itinuro ni Esperon ang Bureau of Immigration na may pagkukulang dahil nakakalusot papasok ng Pilipinas ang mga Chinese nationals.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., marapat na itigil na ang pag-iisyu ng visa pagdating ng mga Chinese nationals.

Aniya ang dapat gawin ay ang consular offices na ang mag-isyu ng visa pagkatapos matiyak ang tunay na pakay ng mga bibisitang Chinese nationals.

TAGS: "security concern o threat", Chinese Nationals, Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., Justice Secretary Menardo Guevarra., National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., undocumented aliens, "security concern o threat", Chinese Nationals, Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., Justice Secretary Menardo Guevarra., National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., undocumented aliens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.