Dating asawa ni Philip Salvador na si Cristina Decena inaresto sa kasong estafa
Nakapagpiyansa na ang negosyante at dating asawa ng aktor na si Philip Salvador na si Cristina Decena, Miyerkules ng hapon (July 31) sa Paranaque Police Station.
Inaresto si Decena ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa loob ng Paranaque Police Station dahil sa kasong estafa na isinampa ng isang Gloria del Prado sa Manila Regional Trial Court Branch 27.
Ayon kay Prado, hinikayat siya ni Decena na mag-invest sa isang condominium building sa Makati at isang solar plant project sa San Miguel Bulacan.
Pinangakuan umano siya ni Decena ng 1.3 percent na monthly interest.
Iginiit ni Prado na bagamat naibigay ang bahagi ng kita, aabot pa aniya sa P3.5 milyon ang atraso sa kanya ni Decena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.