DOH: Kaso ng dengue sa bansa higit 130,000 na

By Rhommel Balasbas August 01, 2019 - 03:03 AM

Umabot na sa higit 130,000 ang kaso ng dengue sa bansa hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo ayon sa Department of Health (DOH).

Sa panayam ng media kay Health Undersecretary Eric Domingo araw ng Miyerkules, sinabi nitong patuloy na dumarami ang kaso ng dengue sa bansa sa kabila ng activation ng regional health clusters ng NDRRMC.

Ang higit 130,000 anya na bilang ng kaso ng sakit mula January 1 hanggang kalagitnaan ng Hulyo ay halos doble na nang naitalang bilang sa kaparehong panahon noong 2018.

Ilan sa mga rehiyon ay naabot na ang epidemic levels tulad ng CALABARZON at MIMAROPA.

Mas mababa naman ang kaso sa ilang rehiyon kumpara noong 2018 sa Regions 1, 2, 3 at National Capital Region.

Dahil dito, sinabi ni Domingo na mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa Department of Education at Deparment of the Interior and Local Government.

Pupulungin bukas, araw ng Biyernes sa Maynila ang lahat ng health regional directors para sa updates hinggil sa dengue at para malaman kung kinakailangan ng additional supplies para sa sakit.

Samantala, sinabi ni Domingo na ilan sa mga pasyente sa mga kalapit lalawigan ay dinadala na sa Maynila.

Sa ngayon anya ay may ilang pasyente na mula sa mga lalawigan sa San Lazaro Hospital ngunit kaya pa naman anya itong i-accommodate ng ospital.

Tiniyak naman ng health official na sapat ang suplay ng dugo at kaunti lang ang kaso na kinakailangan ang blood transfusion.

Sinabi pa ni Domingo na hindi lang sa Pilipinas nararanasan ang pagtaas ng kaso ng dengue kundi maging sa ibang bansa at tinutugunan na rin ito ng World Health Organization (WHO).

TAGS: Dengue, department of health, Health Undersecretary Eric Domingo, Dengue, department of health, Health Undersecretary Eric Domingo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.