Comelec, pinag-iisip ni Sen. Francis Pangilinan ng gimik para sa youth voters registration
Hinikayat ni Senator Francis Pangilinan ang Commission on Elections (Comelec) na mag-isip ng mga paraan para magparehistro ang mga kabataang botante.
Simula Agosto 1 ay muling sisimulan ang voters registration ng Comelec para sa mga bagong botante.
Sinabi ni Pangilinan na kung nabuksan na muli ang Lotto at maari ng tumaya, ang pagpaparehistro para makaboto ay pagtaya para naman sa bayan.
Bilin pa ng senador sa mga kabataan, ang pagboto ay isang paraan nang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Binanggit pa nito na target ng Comelec ang dalawang milyong bagong botante.
Aniya, ang hamon sa Comelec ay ang pagpapatupad ng epektibong information dissemination campaign para mahikayat na magparehistro ang mga kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.