Mga bus operator, nangakong makikiisa sa dry run ng provincial bus ban
Nangako ang mga public transport operator na makikiisa sa implementasyon ng dry run ng provincial bus ban sa EDSA, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Matapos ang isinagawang pulong kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga bus operator, inihayag ni MMDA general manager Jojo Garcia ang pagkalugod sa pangakong pakikiisa sa bus ban.
Naunawaan aniya ng mga ito ang posibleng makitang kakulangan dito.
Magsisimula ang dry run ng bus ban sa araw ng Miyerkules, August 7, 2019 bandang 4:00 ng hapon.
Matatandaang sinabi ni Garcia na hindi pa magpapataw ng multa ang ahensya sa sinumang mahuhuli sa bus ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.