WATCH: Pangulong Duterte, hindi hihingi ng sorry sa PCSO employees na ilang araw na nawalan ng trabaho dahil sa closure order
Nagmatigas ang Palasyo ng Malakanyang at iginiit na hindi hihingi ng paumanhin o sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga empleyado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ilang araw nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara sa gaming operations nito.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kumita naman ang mga empleyado ng PCSO sa matagal na panahon na naging operational ang gaming operations.
Iginiit pa ni Panelo na masyadong malawak ang korupsyon sa PCSO kung kaya naging preemptive ang hakbang ng pangulo at agad na ipinasara kaagad ang gaming operations.
Pinag-aaralan na aniya ng pangulo na makahanap ng solusyon para matugunan ang pangangailangan ng mahigit 300,000 manggagawa na hanggang ngayon ay wala pang trabaho dahil sa patuloy na pagpapasara ng operasyon ng small town lottery (STL), Keno, Peryahan ng Bayan at iba pa.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:
WATCH: Presidential Spokesman Salvador Panelo: President Duterte won’t apologize over the closure of PCSO gaming operations. @dzIQ990 @inquirerdotnet pic.twitter.com/ohrIpESy7c
— chonayuINQ (@chonayu1) July 31, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.