Higit 1,600 pamilya inilikas dahil sa engkwentro sa Cotabato, Maguindanao

By Angellic Jordan July 31, 2019 - 07:11 PM

Inilikas ang mahigit-kumulang 1,600 pamilya matapos ang ikinakasang pursuit operation ng tropa ng pamahalaan sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Cotabato at Maguindanao.

Dahil dito, humingi ng tulong ang mga humanitarian worker para sa mga inilikas na pamilya.

Sa ngayon, nasa kabuuang 1,691 na pamilya ang inilikas sa Pikit, Cotabato at Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao para makaiwas sa mga engkwentro.

Hanggang July 29, nakapagtala ang Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng 606 na pamilya mula sa Barangay Dasawao ng Shariff Saydona Mustapha.

Nananarili ang mga pamilya sa Barangay Makasendeg, Paidu Pulangi at Kabasalan sa bayan ng Pikit.

Samantala, nasa 1,085 na pamilya naman ang lumikas sa kanilang bahay ngunit nanatili pa rin sa bahagi ng Shariff Saydona Mustapha.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.