Panukalang no garage, no car bill muling binuhay sa Kamara
Muling inihain sa Kamara ang panukala na obligahin ang mga bibili ng sasakyan na magkaroon muna ng garahe.
Isinusulong ni Deputy Speaker Raneo Abu ang House Bill 2091 o ang Proof-of-Parking Space Act sa harap pa rin ng matinding problema sa traffic.
Sa ilalim ng panukala, hihingan ng pruweba ang isang indibidwal na meron itong garahe para sa bibilhing sasakyan.
Hindi maaaring irehistro ng Land Transportation Office ang isang sasakyan kung wala itong paradahan.
Kung mapatutunayan na nagsinungaling o wala talagang paradahan ang bumili ng sasakyan, pagmumultahin ito ng P50,000 at sususpendihin ng tatlong taon ang kanyang rehistro.
Papatawan naman ng tatlong buwang suspensyon sa trabaho ang kawani ng LTO na nagbigay ng rehistro at wala rin siyang matatanggap na sahod o anumang benepisyo.
Kapag naging batas, ipatutupad ito sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at iba pang mauunlad na lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.