Bukidnon niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

By Rhommel Balasbas July 31, 2019 - 02:04 AM

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Bukidnon alas-11:11 Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 15 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Kalilangan.

May lalim ang pagyanig na pitong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity III sa mga bayan ng Kalilangan at Kadingilan.

Intensity II naman ang naramdaman sa mga bayan ng Pangantucan at Damulog.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

TAGS: 4 na bayan, afterchocks, bukidnon, Damulog, Intensity II, Intensity III, Kalilangan, lindol, Magnitude 3.5, Pangantucan, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic, 4 na bayan, afterchocks, bukidnon, Damulog, Intensity II, Intensity III, Kalilangan, lindol, Magnitude 3.5, Pangantucan, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.