19 Filipino Seafarers, nakakulong sa Mexico dahil sa droga
Kasalukuyang hawak ng mga awtoridad sa Mexico ang 19 na Pilipinong mandaragat dahil sa diumano’y iligal na droga.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), hinarang sa Mexico ang Cypriot-flagged vessel na UBC Savannah noong July 27.
Kasama ng 19 na Pinoy ang 3 polish nationals sa nasabing barko.
Binabantayan naman na ng DFA ang mga pangyayari.
Nakausap na ng Embahada ang 7 sa mga Pinoy at maayos ang kalagayan ng mga ito.
Wala pang pormal na reklamong naihain sa mga nahuling Pinoy ngunit nangako ang DFA na tutulungan nila ang mga ito.
Kung mapatunayang may kasalanan ang mga ito, sinabi ng ahensya na dadaan sila sa tamang proseso.
Nagpaalala naman ang DFA sa mga Pilipinong manggagawa abroad na sumunod sa batas ng ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.