Militar, umaasang susuko rin ang mga rebelde
Sa kabila ng pagdiriwang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ng ika-47 anibersaryo nila, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na balang araw ay susuko na sa kanila ang mga rebelde.
Bagaman batid ng AFP ang paghina ng pwersa ng mga rebeldeng komunista, isang malaking banta pa rin ang pagiging armado ng kanilang mga miyembro.
Ani AFP Spokesperson Col. Restituto Padilla Jr., umaasa sila na darating din ang panahong matatauhan ang mga rebelde at makisapi na lamang sa gobyerno para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
Ngayong araw ay pinagdiriwang ng CPP ang kanilang anibersaryo habang ginugunita ang 12-day ceasefire nila sa mga tropa ng gobyerno na nagsimula noong December 23 at matatapos sa January 3.
Kasabay nito, nagdeklara rin ng suspension on offensice operations ang AFP at Philippine National Police sa parehong haba ng panahon.
Nanawagan naman ang AFP at PNP sa CPP at NPA na sundin ang kanilang idineklarang ceasefire ngayong holiday season, tulad ng kanilang pangako.
Kaugnay nito, iginiit ni Padilla na bukas naman sila sa pagkakaroon ng peace talks sa mga rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.