Pilipinas nangunguna sa pinakamapanganib para sa “land, environment defenders”- charity watchdog
Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa na pinaka-mapanganib sa mga katutubo at tagapagtanggol ng kalikasan.
Ito ay ayon sa pag-aaral ng isang charity watchdog na naka-base sa Britanya.
Sa survey ng British-based na Global Witness sa 19 na bansa, sa Pilipinas ang may pinakamaraming kaso ng mga napapatay na magsasaka at mga nakikipaglaban para sa kanilang lupain.
Ayon sa grupo, noong nakaraang taon lang ay umabot sa 164 na magsasaka ang napatay sa iba’t ibang bansa.
Sinabi ni Global Witness campaigner Alice Harrison, marami sa mga nasawi ay mga nagtatanggol sa kanilang lupain laban sa mga landowners at mga negosyante.
Bukod sa Pilipinas na may 30 insidente ng pagkamatay, kasama din sa listahan ang Colombia (24 deaths); India (23); Brazil (20) at ang Guatemala (16).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.