Heavy rainfall warning nakataas sa Bataan at Zambales

By Dona Dominguez-Cargullo July 30, 2019 - 05:35 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Zambales at Bataan dahil sa pag-ulang dulot ng Habagat.

Sa 5AM rainfall warning ng PAGASA, nakataas ang yellow warning sa mga bayan ng Subic, Castillejos, San Antonio, San Narciso, San Marcelino, San Felipe at Olongapo sa Zambales gayundin sa buong lalawigan ng Bataan.

Ayon sa PAGASA, ang mga mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha.

Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Cavite at Batangas.

Ganito rin ang lagay ng panahon sa Tarlac, Pampanga at nalalabi pang bahagi ng Zambales.

TAGS: bataan, Pagasa, weather, yellow rainfall warning, zambales, bataan, Pagasa, weather, yellow rainfall warning, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.