DOLE, handang magbigay ng pansamantalang trabaho sa PCSO outlet workers
Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng ’emergency employment’ sa mga empleyadong apektado ng pagpapasara ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa pagpapatigil ng PCSO gaming outlets, libu-libong trabahador ang biglang nawalan ng trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kahit walang kinalaman ang kagawaran sa operasyon ng ahensya, handa ang DOLE na magbigay ng pansamantalang trabaho depende sa dami ng mga nawalan ng trabaho.
Sinabi ni Assistant Labor Sec. Benjo Benavidez na hinihintay pa ang report mula sa PCSO kung gaano karami ang empleyadong nawalan ng trabaho.
Aniya pa, dapat patuloy pa rin ang pagbabayad ng sahod ng PCSO sa mga manggagawa sa kabila ng direktiba ng pangulo.
Patuloy aniyang makikipag-ugnayan ang DOLE sa PCSO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.