2 sundalo sugatan sa engkwentro sa Lanao del Sur

By Angellic Jordan July 29, 2019 - 06:59 PM

Sugatan ang dalawang sundalo sa sumiklab na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) sa Lanao del Sur, araw ng Linggo.

Ayon kay Lt. Col. Edgar Allan Villanueva, pinuno ng Philippine Army 49th Infantry Battalion, nadiskubre ng ilang sundalo ang isang kampo ng NPA sa bayan ng Lumba Bayabao.

Dito na biglang nagkaroon ng pagsabog gamit ang improvised explosive device o homemade bomb dahilan para masugatan ang dalawang sundalo.

Ani Villanueva, iniulat ng mga residente na mahigit isang buwan nang nananatili ang mahigit 50 armadong lalaki matapos magtayo ng kampo sa isang barangay sa Lumba Bayabao.

Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang mga sundalo sa kampo at napag-alamang ginagamit ito bilang medical training facility ng mga rebelde.

Niyayaya pa aniya ang ilang residente na makiisa sa rebeldeng grupo.

Sinabi naman ni Brig. Gen. Romeo Brawner Jr., pinuno ng Philippine Army 103rd Infantry Battalion sa Marawi City na ang operasyon ay indikasyong hindi welcome ang NPA sa nasabing probinsya.

TAGS: Lanao Del Sur, Militar, NPA, Philippine Army, Lanao Del Sur, Militar, NPA, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.