Isang bilanggo, patay matapos umanong saksakin ng kapwa bilanggo sa Mandaue City
Patay ang isang bilanggo matapos umanong pagsasaksakin ng kapwa bilanggo sa Mandaue City, Lunes ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romy Ramas, 33-anyos at sinasabing miyembro umano ng grupo ng hinihinalang drug lord na si Steve Go.
Ayon kay Sr. Insp. Mark Toñacao, assistant warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Mandaue City, sinaksak ng hindi pa matukoy na bilanggo si Ramas sa basketball court sa loob ng Mandaue City Jail Male Dormitory sa Barangay Looc bandang 10:42 ng umaga.
Rumesponde aniya ang isang BJMP personnel sa nangyaring komusyon at nakitang walang malay si Ramas.
Agad dinala si Ramas sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Sinabi naman ni Col. Jonathan Abella, hepe ng Mandaue City Police Office, na magsasagawa sila ng hiwalay na imbestigasyon sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.