Senator Bong Go at Senator Lito Lapid sinabing ayaw sa korapsyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya ipinasara ang PCSO

By Jan Escosio July 29, 2019 - 11:44 AM

Ipinagtanggol si Pangulong Duterte ng dalawang kaalyado nito sa Senado sa ginawang pagpapatigil sa operasyon ng PCSO.

Ayon kay Sen. Christopher Go ang ginawa ni Pangulong Duterte ay para sa interes ng sambayanan at aniya nitong nadedehado ang gobyerno dahil sa mga katiwalian.

Aniya pansamantala lang naman ang pagtigil ng operasyon ng PCSO hanggang malinawan na ang lahat sa pamamagitan ng imbestigasyon.

Pagtitiyak naman nito, hindi maapektuhan ang mga Malasakit Centers dahil aniya napaglaanan na ang mga ito ng pondo ng PCSO noon pang nakaraang taon.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Manuel Lapid malawak ang intelligence network ng pangulo kayat alam niya ang mga anomalya sa mga laro ng PCSO.

Aniya sa halip na batikusin ay dapat pang hangaan si Pangulong Duterte sa pag-amin sa katiwalian sa PCSO at planong papanagutin ang mga tiwali sa naturang ahensya.

 

 

TAGS: korapsyon sa PCSO, Pangulong Duterte, pcso, Sen. Christopher Go, Sen. Manuel Lapid, korapsyon sa PCSO, Pangulong Duterte, pcso, Sen. Christopher Go, Sen. Manuel Lapid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.