Mahigit sa 21,000 na lotto at gaming outlets ang naipasara na ng PNP
Nasa kabuuang 21,173 na lotto at gaming outlets sa buong bansa ang naipasara na ng Philippine National Police (PNP).
Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapatigil sa gaming outlets sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa katiwalian.
Hanggang kahapon, araw ng linggo ay nasa 5,187 na lotto outlets, 13,320 small town lottery; 2,194 na Peryahan ng Bayan at 472 na Keno shops ang naipasara na.
Kasabay nito, umapela si PNP Chief, Police General Oscar Albayalde sa mga operators ng gaming outlets na magkusa nang magsara kahit hindi pa nakatatanggap ng closure order.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.