Pangulong Duterte pinababantayan sa PCG ang Batanes
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng upgrade sa runways ng lalawigan ng Batanes.
Sa aerial inspection na isinagawa ng pangulo kahapon, sinabi nito na kailangang mapalaki ang runways ng probinsya.
Ito anya ay para sa pagpapadali ng delivery ng supplies at maging sa mga bagay na may kinalaman sa national security.
“I’m interested on the project of extending both the runways for national security reasons. It could be a very crucial factor in the days to come, not in our generation… but malay mo?,” ayon sa pangulo.
Dalawa ang runway sa Batanes kung saan ang isa ay nasa Batan, bahagi ng provincial capital na Basco at ang isa naman ay sa Itbayat na ginagamit lang ng maliliit na eroplano.
Ayon sa presidente kailangang maging handa ang bansa na depensahan ang naturang mga isla lalo na at uso ang agawan ng teritoryo sa panahon ngayon.
“It would be good to prepared so that if we have to defend those islands there, you have to have a launching deck somewhere here,” ani Duterte.
Ipinag-utos ni Duterte sa Philippine Coast Guard na bantayan ang Batanes at tiyakin na mananatili itong pagmamay-ari ng bansa.
Ikwinento ng pangulo sa briefing kung paano nawala sa kontrol ng Pilipinas ang ilang bahagi ng West Philippine Sea at nailipat sa China.
Iginiit naman ni Duterte na ang mga isla na kontrolado na ng China ay hindi bahagi ng teritoryo ng bansa kundi parte lamang ng exclusive economic zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.