PCSO, umaasang pansamantala lang ang pagpapasara sa gaming operations sa bansa
Umaasa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na temporary o pansamantala lamang ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang gaming operations sa bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PCSO board member Sandra Cam na aapela ang kanilang hanay kay Pangulong Duterte na ikunsidera ang mga maaapektuhang manggagawa pati na ang mga pasyenteng umaasa sa medical assistance.
Hindi aniya pababayaan ng pangulo ang mga empleyado at mahal aniya ng punong ehekutibo ang taong bayan.
Sa ngayon, mas makabubuting bigyan muna ng tsansa si Pangulong Duterte na malinis sa korupsyon ang ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.