PCSO, iginiit na hindi sila naabisuhan ukol sa utos na pagpapasara sa gaming operations
Walang abiso sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ukol sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang gaming oeprations.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PCSO board member Sandra Cam na base sa kaniyang pagkakaalam, walang written order ang pangulo kung kaya nagulat ang lahat ng kanilang hanay.
Ipinagtataka rin ni Cam kung paanong ipinasara ng pangulo ang operasyon sa lotto gayung ito ang lifeblood ng PCSO.
Sa pagkakaalam pa ni Cam, ang operasyon ng small town lottery (STL), Peryahan ng Bayan at KENO lamang ang may nagaganap na korupsyon.
Gayunman, sinabi ni Cam na 100 porsyento siyang masaya na ipinasara ng pangulo ang gaming operations ng PCSO.
Sinabi ni Cam na nililinis lamang ng pangulo ang PCSO na nababalot ng korupsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.