Pangulong Duterte, hindi kailangang konsultahin ang gabinete para magpasya sa PCSO gaming operations

By Chona Yu July 28, 2019 - 02:20 PM

Hindi na kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na konsultahin pa ang kanyang gabinete para magpasya at gumawa ng executive order na ipasara ang gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na saka lamang kumukunsulta si Pangulong Duterte sa gabinete kung hindi nakatitiyak sa kanyang posisyon o kung gusto niyang mapakinggan at hindi napag-aralan ang isang bagay.

Pinabulaanan din ni Panelo na hindi inabusihan ni Pangulong Duterte ang pamunuan ng PCSO bago ipinag-utos ang pagpapasara sa gaming operations.

Ayon kay Panelo, kinausap ni Pangulong Duterte si PCSO general manager Royina Garma.

“Unang una, hindi totoo na walang alam. Hindi siguro alam ng binanggit mong pangalan pero ka-meeting niya (Pangulong Duterte) si head ng PCSO tsaka hindi naman kailangang magkonsulta si Presidente sa Cabinet members para gumawa ng executive order. Kumukonsulta lang ‘yan kung hindi siya nakakatiyak sa kanyang posisyon. Kung gusto niya mapakinggan yung ibig niyang pag-aaralan pero maraming reports na sa kanya. Talagang grabe,” pahayag ni Panelo.

TAGS: gabinete, pcso, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, gabinete, pcso, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.