Pagsasapribado ng PCSO, pinalutang ng isang senador
Iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagsasapribado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ang alegasyon ni Pangulong Duterte ng “massive corruption” sa ahensiya.
Una nang ipinag-utos ng Pangulo ang suspensiyon operasyon ng mga palaro ng PCSO dahil sa talamak na katiwalian.
Sa pamamagitan aniya ng “privatization” ng PCSO ay maaring ipagpatuloy ang operasyon ng Lotto at maiiwasan ang korapsiyon sa gobyerno.
Magkakaroon din aniya ng siguradong kita ang pamahalaan na magagamit sa pagtulong sa mga kapos-palad.
Idinagdag pa ng senador na dapat direktang ireremit ang kikitain ng PCSO sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para pondohan ang kanilang social services programs.
Sa pamamagitan nito ay maiiwasan aniya ang “ mishandling of funds” na dapat ay nakalaan sa mga mahihirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.